Partido state university
Goa, camarines sur
College of education
A/y 2012-2013
Mga Bahagi ng Pananalita
Ni: Danrie v. Avila Bsed2b
Mga
Layunin
·
Malaman ang tamang paggamit ng balarilang Filipino
·
Makabubuo ng tamang struktural na gramatika naayon sa
matlinong pagpapasya
·
Magagamit ito sa pang-araw-araw na pagkabuhay
Bahagi ng Pananalita
·
Sa balarila, ang
bahagi ng pananalita/panalita(ingles: Part of speech),
o kauriang panleksiko, ay isang
lingguwistikong kaurian ng mga salita(o
mas tumpak sabihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang
kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging
panleksikong tinutukoy.
·
Sa aklat na balarila
ng wikang pambansa(1939;1944) ni Lope
K. Santos(kilala rin sa tawag na Balarilang
Tagalog at Matandang Balarila)
ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig,
pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro
sa mga paaralan sa pilipinasnoong
1940 matapos maipahayag ng dating pang. Manuel l. Quezon ang Tagalog bilang
siyang saligan ng wikang pambansa.
·
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng
wikang pambansa (na kilala na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng
pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O.
Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung
bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
1.
Mga Nominal (Nominals)
A. Pangngalan (noun) -
mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp.
1.Pangngalan pantangi- tanging ngalan ng
tao, bagay,hayop o lunan
2.Pangngalan pambalana- karaniwang
ngalan ng tao, bagay,hayop o lunan
3.Pangngalan lansakan- kumakatawan sa dami
ng tao, bagay, hayop o lunan
Kayarian ng pangngalan
1.Pambabae- pangngalan na ginagamit sa
babae
2.Panlalaki- pangngalan ginagamit sa lalaki
3. Di-tiyak- pangngaln na pwedeng
panlalaki o pambabae
4.Walang kasarian- hindi masabi kung
babae o lalaki
B. Panghalip (pronoun) -
mga salitang panghahali sa pangngalan
Uri ng panghalip
·
Panghalip panao- tawag sa panghalip na inahahalili sa
ngalan n tao
·
Panghalip na pamaglit- salitang nagtuturo
·
Panghalip na
paari- salitang nagpaphiwatig ng pamamay-ari
·
Panghalip na panaklaw- salitang nagsasaad ng layo
·
Panghalip na pananong- salitang ginagamit sa
pagtatnong sa pangungusap
·
Panghalip na patulad- salitang ginagamit sa
pagtutulad.
C.
Pandiwa (verb) -
mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
Aspekto ng Pandiwa
·
naganap
na- kilos na natapos na
·
magaganap-
kilos na gagawin o mangyayari pa
·
nagaganap-kilos
na kasalukuyan
ginagawa
2.
Mga Panuring (Modifiers)
a.
Pang-uri(adjective) -
mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
·
Pamilang-
salitang nagsasaad ng bilang
·
Panlarawan-
salitang nagsasaad ng hugis, anyo at kulay
·
Pantangi-
salitang nagsaad ng bagay na katangi-tangi
·
Pangngalan-=bango
·
Lantay na Pang-uri- mabango
·
Pahambing- mas mabango
·
Pasukdol- higit na mabango
b. Pang-abay (adverb) -
mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa
nito pang-abay
·
pamanahon- sumasagot sa tanong nakailan
o
Payak: bukas, mamaya, ngayon
o
Maylapi: kagabi, samakalawa
o
Inuulit: araw-araw, gabi-gabi
o
Parirala; noong nagdaang linggo, sa darating na
bakasyon
·
pamaraan- sumasagot sa tanong kung paano
·
panlunan- sumasagot sa tanong na saan
3. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1.
Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) -
mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) -
mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
·
May kataga- ginagamit
sa pagsunod-sunod sa mga bahagi ng pangungusap.
·
na-ginagamit
na pang-ugnay ng mgasalitang katinig maliban sa n
·
ng-
ginagamit sa pag-ugnay sa salitangnagtatapos sa patinig na a, e, i, o,
·
G-ginagamit
sa pag-ugnay ng mgasalitang nagtatapos sa n
c. Pang-ukol(preposition) -
mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
4.
Mga Pananda (Markers)
a.
Pantukoy(article/determiner)
- mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b.
Pangawing o Pangawil (linking o copulative)
- salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
Pandamdam
Hindi na
isinama ang Pandamdam (interjection;
mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng
Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita
kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong
tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't
ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang
lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri,
pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.
mga Sanggunian:
Thank you very
much!!!!
Prepared by:
Danrie V. Avila
Bsed2b
Prepared To: Dr. Myrna Bigueja
Associate Professor1
invite friends to rate your blog
TumugonBurahin