Sabado, Pebrero 9, 2013

Bahagi ng Pananalita


Partido State University
Goa, Camarines Sur
College of education
A/Y 2012-2013
email account: danamalayer@gmail.com
fb account: dhanz_4@yahoo.com


How to prepare handouts
Ni: Danrie v. Avila Bsed2b


Mahalagang malaman ang bahagi ng pananalita.
Tungkol ito sa tamang pagsasalita
 Kung hindi mo alam ito,
magmumukha kang kawawa.
-unknown-

Bahagi ng Pananalita

·         Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita(ingles: Part of speech), o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita(o mas tumpak sabihing bahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.


·         Sa aklat na balarila ng wikang pambansa(1939;1944) ni Lope K. Santos(kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa pilipinasnoong 1940 matapos maipahayag ng dating pang. Manuel l. Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.


·         Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:




1. Mga Nominal (Nominals)

A. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.

*      Uri ng Pangngalan
1.Pangngalan pantangi- tanging ngalan ng tao, bagay,hayop o lunan
2.Pangngalan pambalana- karaniwang ngalan ng tao, bagay,hayop o lunan
3.Pangngalan lansakan- kumakatawan sa dami ng tao, bagay, hayop o lunan
Kayarian ng pangngalan
1.Pambabae- pangngalan na ginagamit sa babae
2.Panlalaki-  pangngalan ginagamit sa lalaki
3. Di-tiyak- pangngaln na pwedeng panlalaki o pambabae
4.Walang kasarian- hindi masabi kung babae o lalaki

B. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
Uri ng panghalip

·         Panghalip panao- tawag sa panghalip na inahahalili sa ngalan n tao
·         Panghalip na pamaglit- salitang nagtuturo
·         Panghalip  na paari- salitang nagpaphiwatig ng pamamay-ari
·         Panghalip na panaklaw- salitang nagsasaad ng layo
·         Panghalip na pananong- salitang ginagamit sa pagtatnong sa pangungusap
·         Panghalip na patulad- salitang ginagamit sa pagtutulad.


C. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
Aspekto ng Pandiwa
·         naganap na- kilos na natapos na
·         magaganap- kilos na gagawin o mangyayari pa
·         nagaganap-kilos na kasalukuyan ginagawa

2. Mga Panuring (Modifiers)

a. Pang-uri(adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
·         Pamilang- salitang nagsasaad ng bilang
·         Panlarawan- salitang nagsasaad ng hugis, anyo at kulay
·         Pantangi- salitang nagsaad ng bagay na katangi-tangi
*      Antas ng Pang-uri
·         Pangngalan-=bango
·         Lantay na Pang-uri- mabango
·         Pahambing- mas mabango
·         Pasukdol- higit na mabango
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay

*      Uri ng pang-abay
·         pamanahon- sumasagot sa tanong nakailan
o   Payak: bukas, mamaya, ngayon
o   Maylapi: kagabi, samakalawa
o   Inuulit: araw-araw, gabi-gabi
o   Parirala; noong nagdaang linggo, sa darating na bakasyon
·         pamaraan- sumasagot sa tanong kung paano
·         panlunan- sumasagot sa tanong na saan


3. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
·         May kataga- ginagamit sa pagsunod-sunod sa mga bahagi ng pangungusap.
*      Uri ng Pang-angkop
·         na-ginagamit na pang-ugnay ng mgasalitang katinig maliban sa n
·         ng- ginagamit sa pag-ugnay sa salitangnagtatapos sa patinig na a, e, i, o,
·         G-ginagamit sa pag-ugnay ng mgasalitang nagtatapos sa n


c. Pang-ukol(preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita



4. Mga Pananda (Markers)

a. Pantukoy(article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip

b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri

Pandamdam
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.











 mga Sanggunian:





Thank you very much!!!!




Prepared by: Danrie V. Avila
           Bsed2b
                                                                                    Prepared To: Dr. Myrna Bigueja
                                                                                                Associate Professor1





10 komento:

  1. Rating

    Category Score

    1.Title Section 4
    2. Body 4
    3. Quotes 4
    4. Pictures/Figures/tables 3
    5. Attractiveness 3
    _________
    18=96

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat po sa isang kanais-nais na puna at marka na iyong ibinigay sa akin.

      Burahin
  2. rating

    1. title 4
    2. body 4
    3. quotes 3
    4. pictures 3
    5. attractiveness 3 17=93

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat po sa inyong magandang puna at marka. na talaga naman kalugod-lugod.

      Burahin
  3. Mga Tugon
    1. maraming slamat po sa napakaganda ninyong puna sa akin.godbless.

      Burahin
    2. Rating

      1. title- 3
      2. body 4
      3. quotes- 3
      4. pictures- 3
      5. attractiveness- 4
      Total Score- 17= 1.5 or 93

      Congrats! God bless...

      Burahin
    3. maraming salamat din po sa inyong kalugod-lugod na komento at marka sa akin.

      Burahin
  4. 1.title section-4
    2.body-4
    3.quotes-4
    4.picture-4
    5.attractiveness-4

    total = 20

    TumugonBurahin